top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

HOROSCOPE | ENERO 27, 2019 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 27, 2019
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ENERO 27, 2019 (Linggo): Lakas ng loob ang susi mo tungo sa tagumpay. Kahit gaano ka­­laki ang iyong am­bis­yon, mapasasaiyo ito. Muli la­kas ng loob ang iyong ka­ila­ngan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbalik muli ang mga araw kung ka­ilan malaya mong magagawa ang mga gusto mong ga­win na may kaugnayan sa pagpapalago ng kabu­ha­yan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-19-20-24-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Parang multo na nananakot ang mga pag­subok sa iyong harapan. Ang multo ay walang la­man at buto, kaya walang dahilan para umatras ka sa matagal mo nang gustong gawin. Masuwerteng ku­lay-black. Tips sa lotto-16-20-21-26-34-45.

GEMINI (May 21- June 20) - Ituloy mo ang gusto mong ga­win dahil ang humahadlang sa iyo ay kusa ring titigil. Mapagta­tanto nila na hindi ka nila dapat pinipigilan. Muli, itu­loy mo ang gusto mong gawin. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-1-18-27-30-32-37.

CANCER (June 21- July 22) - Nabubuwal ang punong­ka­hoy na lu­ma­­laban sa malakas na hangin. Parang tao na minamalas kapag pilit nitong nilala­ban ang takdang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-12-16-24-39-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mag­bawas ka ng sigla dahil sa sobrang siga­sig mo, nakalilimutan mo na ang ibang tao. Ito ang mensahe ng iyong kapa­la­ran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-14-25-34-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kakaiba ang tapang mo sa araw na ito. Ma­laki ang tsansa na uma­bante nang todo ang buhay mo, pero kailangan mong kontrolin ang mabilis na pagbabagong ito nang sa gayun ay hindi lumaki ang iyong ulo. Masuwer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-3-18-25-28-39-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Masisingitan ka ng mga kon­trabida, kum­baga, pansamantala silang makapoporma sa buhay mo. Gayunman, palagi pa rin silang nasa hulihan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-15-26-37-43-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malakas ang iyong da­ting sa mga mata ng mga bago mong kakilala. Maaaring ma­bu­lag sila sa paghanga sa iyo, pero hindi ngayon ang tamang panahon para pu­masok ka sa seryosong pa­kikipagrelasyon. Masu­wer­teng kulay-green. Tips sa lotto-8-11-13-28-30-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Isang hak­bang paatras at dalawang hakbang pasulong, ito nga­yon ang susi mo upang maiwanan mo nang milya-milya ang iyong mahihig­pit na kakumpitensiya. Ma­suwerteng kulay-yel­low. Tips sa lotto-4-15-20-23-36-45.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dumating na ang tamang panahon para ilabas mo ang lahat ng nasa loob mo. Ang mabi­gat na saloobin ay pinag­mu­mulan ng sakit na ma­hirap matukoy. Masu­wer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-6-19-22-25-31-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Maglili­paran ang mga gamit kapag ipinakita mo ang iyong galit, kaya huwag na hu­wag kang magagalit, ga­yundin, huwag mong kalili­mutan na pag-ibig ang nag­papaganda sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-18-21-27-31-39.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi nan­da­raya ang ma­hiwagang sa­la­min sa dingding. Ikaw ang pinakanakaaakit nga­yon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­wer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-11-12-14-24-40-46.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page