7 patay, 200 nawawala sa pagguho ng mining dam
Jersey Sanchez
Jan 27, 2019
1 min read
NAWAWALA ang 200 katao habang nasawi ang pito matapos ang pagguho ng mining dam sa Brazil.
Agad nagsagawa ng search and rescue operations ang awtoridad sa south-east state ng Minas Gerais.
Inilikas din ang maraming residente dahil sa pagguho ng dam.
Samantala, pag-aari umano ng pinakamalaking kumpanya sa Vale ang naturang dam kung saan dito sinasala ang mga residue mula sa Feijao Iron Ore Mine.





Comments