Piniga ni direk, no choice… ROBIN, AMINADONG HIRAP NA HIRAP UMIYAK
- BULGAR

- Jan 26, 2019
- 1 min read

AMINADO si Robin Padilla na talagang malaking challenge para sa kanya ang crying scenes sa pelikulang Bato: The Gen. Ronald dela Rosa Story at dito siya nahirapan talaga.
“Hindi pa po ako humagulgol sa pelikula ko magmula noong ako’y nag-artista, pero dito po, pinahagulgol po ako ng aming direktor (Adolf Alix, Jr.),” sabi ni Binoe.
Ang karakter daw kasi ni Gen. Bato, titingnan mong matapang at tigasin pero malambot ang puso.
“Si Gen. Bato po, parang si Manny Pacquiao rin po talaga, ‘yung kanilang mga puso po talaga, kung ano ‘yung tigas na nakikita n’yo, pero ‘yung kanila pong mga damdamin, talagang maka-mahirap. Kaunting bagay lang, talagang umiiyak sila.
“Medyo nahirapan po ako ru’n, sa usapin na ‘yun, doon sa mga crying scenes namin. Pero maliban po ru’n, katulad po ‘yung nilalambing ‘yung asawa, ‘yun po ang magagandang eksena, dahil si Gen. Bato po talaga, mahal na mahal niya ‘yung asawa niya,” sabi ni Binoe.
Pero hindi raw niya talaga ginaya ang physical appearance ni Gen. Bato dahil magkaibang-magkaiba sila. Nevertheless, siyempre, ‘yung pagiging kalbo ng former PNP chief ay ginaya niya.





Comments