Most wanted timbog
Pabs Hernandez III
Jan 26, 2019
1 min read
ANGELES CITY—Isang most wanted ang nadakip ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Pandan, sa lungsod na ito.
Ang suspek ay kinilalang si Rey Vencalayo, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya si Vencalayo sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong frustrated homicide sa San Marcelino, Zambales.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa naturang lugar.





Comments