Malinaw ayon sa birthday...BABAENG NAKATAKDANG MAKAPASA SA BOARD EXAM AT MAKAPAGTURO SA PAMPUBLIKONG

Dear Maestro,
Tapos ako ng kursong Education at kasalukuyang nagtuturo sa private school. Hindi pa ako pasado sa Board exam, kaya nagtitiyaga muna ako rito.
Balak kong kumuha ng Board exam sa pagiging guro sa susunod na taong 2020 dahil matagal ko ng pangarap o plano sa buhay na makapagturo sa public school, mas malaki kasi ang suweldo sa public school at mas maraming benepisyo.
Itatanong ko lang kung anong buwan ako suwerte para kumuha ng Board exam sa taong 2020 para makapasa na ako?
Kumuha na ako dati, kaya lang, hindi ako nakapasa. Gusto kong malaman ang mga masusuwerte kong numero para kapag tumama ako ng jackpot sa lotto ay magtatayo na lang ako ng sarili kong school na isa rin sa mga pangarap ko. December 2, 1993 ang birthday ko.
Umaasa,
Arlene ng Bagong Silang, Calauag, Quezon
Dear Arlene,
Ayon sa birthday mong December 2, 1993, ang pinakamapalad mong buwan para kumuha ng Board exam sa susunod na taong 2020 ay mula sa buwan ng Hulyo hanggang Agosto, mula sa buwan ng Abril hanggang Marso at mula sa buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre higit lalo sa mga piling petsang 7, 16, 25, 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22 at 31.
Sa pagkuha ng Board exam, upang matiyak mo na makapapasa ka, magsuot ka ng kulay dilaw kung halimbawang natapat ang pagsusulit sa mga petsang 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22, 31, 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25. Kung sawa ka na sa dilaw, puwede mo ring ipamalit ang kulay berde.
Habang pula naman ang isuot mong kulay ng damit kung ang pagsusulit ay natapat sa mga petsang 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27. Kung sawa ka na sa pula, puwede mong ipalit ang kulay lilac o kaya ay asul.
Ang nasabing mga petsa ay siya ring mapalad mong numero kung saan ang mga numerong ito ay ang mga numerong may sumatutal na 7, 1 at 4, gayundin ang numerong 8. Maaari mo ring subukan ang 1, 17, 23, 28, 34 at 40, gayundin ang mga numerong 6, 17, 22, 31, 40 at 41.
Upang masapol mo ang malaking panalo sa anumang uri ng pakikipagsapalaran, maghanap ka ng lotto outlet na may napakahabang pila.
Sa nasabing lotto outlet, du’n ka tatama ng napakalaking halaga.
Ayon sa iyong Career Calendar, Arlene, kung kukuha ka ng Licensure Examination for Teachers, sa susunod na taong 2020, tulad ng nasabi na at inaasahan, basta sundin mo lang ang mga simpleng rekomendasyong iminungkahi na sa itaas, tiyak ang magaganap, sa nasabing panahon sa edad mong 27 pataas, walang duda, makapapasa ka at magiging ganap at lisensiyadong guro ka na at kasabay nito, matutupad na rin ang malaon mo nang pangarap na makapagturo sa pampublikong eskuwelahan at magkaroon ng mas maraming benepisyo at malaking suweldo.




Comments