Dahil ayaw kilalanin bilang liderato | EMBAHADA NG U.S. SA VENE-ZUELA, IPASASARA— MADURO
- Jersey Sanchez
- Jan 26, 2019
- 1 min read
NAGBANTA si Venezuela President Nicolas Maduro na ipasasara niya umano ang lahat ng Embahada at Konsulada ng Estados Unidos sa kanilang bansa.
Ito ay nang hindi umano kilalanin ng U.S. ang liderato ni Maduro bilang interim president ng Venezuela.
Nakatanggap din ng pagbabanta ang U.S. mula sa mga kaalyado ni Muduro na gigipitin ang mga Konsulada at Embahada ng Amerika.
Ayon sa pinuno ng Maduro-aligned Constituent Assembly na si Diosdado Cabello, papatayan ng kuryente at hindi susuplayan ng krudo ang mga U.S. Embassy at Consulate sa Venezuela kung hindi kikilalanin ng U.S. si Maduro.
Samantala, ayon sa pahayag ni U.S. Secretary of State Mike Pompeo, gagawin nila ang lahat upang mabigyan ng proteksiyon ang kanilang mamamayan sa Venezuela.





Comments