top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Resbak sa paninira raw sa TV host… MGA BAHO NI GRETCHEN, PASASABUGIN NG KAMPO NI KRIS

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 25, 2019
1 min read

HANDA na kaya si Gretchen Barretto sa posibleng maganap dahil sa ginagawa niyang pag-iingay ngayon laban kay Kris Aquino?

For sure, hindi basta mananahimik na lang ang mga loyal supporters ni Kris­teta sa ginawang exposé ni La Greta laban kay Kris na sobrang seryoso at nakaka­sira sa reputasyon ng isang dating Presidential Daughter and First Sister.

Tiyak na gaganti at bubuwelta ang mga diehard fans ni Krissy at hahalukayin din ang mga nagdaang maiskandalong love affairs ni Greta!

‘Yun ba ay naisip ni Gretchen bago niya ipinost ang isyu ni Kris na inaakusahan niyang Queen of All Fixers? Seryoso itong akusasyon ni Greta tungkol sa BIR. Pero seryoso rin ang mga fans ni Kris at may banta kay Gret­chen na magkakalantaran na ng iskandalo sa publiko!

Kahit sanay na sanay na si Gretchen sa giyera, may anak siyang maaapektuhan kapag muling naungkat sa publiko ang kanyang mga love escapades.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page