top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nagpagamit daw kay Gen. Bato para sa eleksiyon, iboboykot…ROBIN, BINANATAN ANG MGA KAPWA ARTISTA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 25, 2019
  • 3 min read

HINDI nagustuhan ni Robin Padilla ang akusasyong propaganda film ang pinagbibidahan niyang bioflick ni former PNP (Philippine National Police) Chief Gen. Ronald “Bato” dela Rosa titled Bato: The Gen. Ronald dela Rosa Story at aniya, sana ay huwag nang intrigahin pa ang pelikula.

“Kasi, alam mo, karapatan ng kahit na sino’ng kandidato ang gumawa ng buhay mo. Noon pa ‘to, panahon pa nina Marcos, gumagawa na (ng bioflick). Kahit nga si Joma (Sison), gumawa ng pelikula niya,” katwiran ni Robin nang makatsikahan namin sa grand presscon ng naturang bio-film kahapon.

Ang ikinadidismaya pa ni Binoe ay nanggagaling pa raw sa mga kasamahan sa industriya ang pagbatikos sa kanya.

“Parang ano naman itong mga taong ito, eh, artista kami,” sambit pa niya.

Dito na nga nahingan ng reaksiyon si Binoe tungkol sa Facebook post ni Direk Lore Reyes na iba-block niya sa kanyang social media account ang mga taong magpo-promote ng movie.

“Ibo-boycott n’yo ang mga kasama n’yo sa pelikulang Pilipino dahil sa ganu’ng klaseng pulitika? Ganu’n ba tayo kababaw na?” saad pa ni Binoe.

Ayon pa raw kay Direk Lore ay walang kai-kaibigan sa kanya, ano ang masasabi rito ni Binoe?

“Hindi ko naman siya kaibigan,” aniya.

Hindi pa raw niya ito nakasama pero aniya ay inirerespeto naman niya ang nasa­bing direktor.

“Minsan, alam ninyo, ang pag-iintindi natin sa isang bagay, dapat malawak. Ang pulitika sa buhay natin, dapat parte lang. Hindi ‘yan ang ibubuhay mo, araw-araw. Paggising mo pa lang, pulitika na agad. F*ck that, man! Meron tayong mga trabaho sa buhay natin. Artista tayo, direktor sila,” mataray pang saad ng action superstar.

Napa-react naman ang entertainment press sa pagiging outspoken ni Binoe at pinuri siya.

“Sa totoo lang, huwag nating persona­lin. Meron na tayong dating kasabihan, ‘Tra­baho lang ‘to, magtrabaho tayo. Eh, wala, ganu’n, eh. Sana, bago nila husgahan ang pelikula ni Bato, na i-block, panoorin mo muna. Tingnan mo muna kung gaano ka­ganda ‘yung istorya nu’ng tao,” sey pa niya.

Actually, pagtatapat nga ni Binoe, hindi nga dapat siya ang gaganap na bida ng pelikula at marami nga raw siyang ini­rekomendang artista na puwedeng mag-portray. Isa sa mga unang-unang ini­reko­menda niya ay si Coco Martin, pero hindi raw yata nagkasundo sa schedule.

Inirekomenda rin niya ang pamangkin niyang si Daniel Padilla na gumanap na young Bato. Pati ang manugang niyang si Aljur Abrenica ay kinausap niya.

“Siya (Aljur) po ang kinukuha namin dito, hindi nagkaintindihan dahil pinag­bibintangang propaganda, mahirap!” sey pa ng action star.

Talaga raw hindi lang niya matang­gihan ang producer na si Arnold Vegafria kaya pumayag na rin siyang gawin ito at aminado naman siyang talagang na-miss din niya ang paggawa ng matinding action film na tulad nito.

Sa kanyang speech after the Question and Answer portion ay sinabi rin ni Binoe na sana raw ay huwag nang idamay pa ang pulitika sa pelikula.

“Sana po ay huwag tayo ma-involve sa kontrobersiya ng pelikula. Kasi nakaka­lungkot naman po ‘yun na mapagbibin­tangan n’yo kami na gumagawa ng propaganda.

“Sana po, ‘yung mga ganu’ng klaseng bintangan, ganu’n klaseng pukulan, isantabi na po muna natin. Isipin na lang po natin, nagkaroon kami ng trabaho, nakapagbigay po kami ng trabaho sa mga stuntmen, sa mga utility, maraming tao po ang nagkaroon ng trabaho rito.

“At sana po, tingnan din po ninyo ang istorya bago po ninyo sana mahus­ga­han kami. Panoorin n’yo muna ‘yung istorya ni Gen. Bato – kung talagang worth it ba na gawing pelikula,” paliwanag ng action superstar.

Nagpahaging din si Binoe sa mga pulitikong panay ang birada sa kanya.

“Doon naman po sa mga pulitiko na walang sawang kababakbak, pambihira naman kayo, o! Lumamig na ulo n’yo, hindi ko na nga kayo nilabanan, eh. Kung nila­banan ko kayo, di wala kayong upuan diyan.

“Huwag n’yo na akong buwisitin, huwag n’yo akong asarin dahil hindi n’yo ako kalaban. Ako, artista lang, nagtatra­baho lang ako. Hindi ako ang senador. Kaya huwag ako ang bakbakan n’yo.

“Ako, nagtatrabaho lang ako. Gusto ko lang, masaya ang mga tao. Gusto ko lang maka­pag­bigay ng magandang entertainment.

“Kaya mahal kong mga kababayan, big­yan n’yo ako ng break, bigyan n’yo kami ng break. Bigyan n’yo ng break ang action movie. Dahil ‘pag binigyan n’yo ng break ang action movie, napakarami pong magka­katrabaho. At lahat po tayo d’yan ay mag-i-enjoy. at lahat po tayo diyan ay magsasama-sama at lahat po tayo diyan ay makikinabang,” ang pagtatapos ni Binoe.

Anyway, ang Bato: The Gen. Ronald dela Rosa Story ay mula sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr. produced by ALV Films and distributed by Regal Entertainment.

Kasama rin sa movie sina Beauty Gonzalez, Alvin Anson, Archie Alemania, Chanel Morales, Gardo Versoza, Gina Alajar, Jess Mendoza, Jun Hidalgo, Kiko Estrada, Kiko Matos, Polo Ravales, Mon Confiado, Ricky Davao at marami pang iba.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page