Nag-post nang naka-damit, nilait pa rin… BEAUTY, TODO-BUYANGYANG, BINANATAN NG NETIZENS, NAPIKON

Nitz Miralles / BIDA

SI Beauty Gonzalez ang gumaganap na asawa ni Robin Padilla sa biopic movie na Bato: The Gen. Ronald dela Rosa Story at sa napanood naming trailer, kilig ang mga eksena ng dalawa bilang mag-asawa.
Wala sa presscon si Beauty dahil sabi ng producer ng movie na si Arnold Vegafria ng ALV Films, sa January 28 pa present sa presscon si Beauty. Makakasama niya sina Gen. Ronald dela Rosa, Direk Adolf Alix, Jr. at Robin.
Maikukuwento ni Beauty ang partisipasyon niya sa Bato na showing sa January 30.
Dahil wala si Beauty sa presscon, hindi siya natanong sa mga isyu niya sa mga netizens na laging pinupuna ang mga suot niya sa Instagram (IG). May nagtanong sa kanya kung bakit lagi siyang nakahubad sa mga litrato niya.
Kaya nang mag-post si Beauty na naka-damit siya, may nag-react na himala na hindi siya naka-panty at bra.
“I suppose your comment makes you feel good about yourself? Pretty funny sa tingin mo? I think sarcasm is a sign of inner sadness and discontent. I wish you peace,” ang sagot ni Beauty sa basher niya.





Comments