Most wanted criminal nasakote
- Pabs Hernandez III
- Jan 25, 2019
- 1 min read
SOUTH COTABATO—Isang most wanted criminal ang naaresto ng pulisya sa kanyang hideout, kamakalawa sa Bgy. Gen. Paulino Santos, Koronadal City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Marhun Cajansa, residente ng Bgy. Sumbato, Dimataling, Zamboanga del Sur.
Nabatid na inaresto ng pulisya si Cajansa sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong frustrated murder sa Zamboanga del Sur.
Hindi naman nanlaban si Cajansa nang dakpin siya ng mga awtoridad sa kanyang hideout.





Comments