top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Manila Zoo, apektado sa isyu ng polusyon sa Manila Bay?! Hmmm...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 25, 2019
  • 2 min read

IPINASARA pansaman­tala ang Manila Zoo dahil sa isyu ng polus­yon ng Manila Bay. Ang mga itina­tapong tubig ng zoo ay pumupunta umano sa estero na tumutuloy naman sa Manila Bay. Mayroong kampanya na linisin ang Manila Bay matapos magpa­hayag ni Pangu­long Rodrigo Duterte na napakarumi na ng karagatang ito. Ang plano ay lagyan ng dalawang water treatment na planta ang zoo para hindi na ito ­ma­ka­pagtapon ng ma­ru­ming tubig sa estero na lilinisin na rin ng gobyerno.

Wala namang prob­le­ma sa pansamanta­lang pagpapasara sa zoo. Ang sa atin lang, sana, hindi mapababa­yaan ang mga hayop. Noong 1959, nang magbukas ang Manila Zoo. Ang pinaka­sikat na residente rito ay si Mali, ang Asian elephant. Mahigit 40 years old na si Mali. Ang pagkakakilala nga sa kanya ay “ang pina­kamalungkot na elepan­te sa buong mundo” dahil wala itong kasa­ma. Gayunman, sana, ha­bang sarado ang zoo, ipatupad na ang planong rehabilitasyon nito sa halagang isa’t kala­hating bilyong piso. Nagbi­bigay ng kasi­yahan ang mga hayop sa maraming tao, kaya sana ay naibi­bigay din ang tamang pangangalaga para sa kanila.

◘◘◘

Bumigay din ang Mababang Kapulungan, hindi na 9 yrs. old ang pananagutan para sa kriminalidad kundi 12-anyos na. Dahil sa rami at lakas ng opo­sisyon sa edad na 9, na ang tingin ng marami ay masyadong bata pa para makilalang kriminal ng lipunan kaya sumang-ayon sa edad na labin­dalawa. Kung masang­kot man ang bata sa kriminal na gawain, dapat idaan ito sa pagpa­payo at rehabili­tasyon.

May mga tutol pa rin sa edad na ito, pero mukhang ipapasa ito ng Kongreso. May ilang bersiyon din ang Sena­do, pero parehong 12-anyos ng pananagutan. Minsan, mapaiisip tayo kung ano na ang nang­yayari sa lipunan at kailangang ibaba ang edad ng pananagutan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page