top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kaya ang bilis bumigay sa aktor, Alden… MAINE, BUKING SA TWEET NA YEAR 2013 PA LANG, TYPE NA SI ARJ

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 25, 2019
  • 1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MATAPOS umamin ng aktor na si Arjo Atayde na “exclusively dating” na sila ng Phenomenal Star at Yaya Dub ng Siyete na si Maine Mendoza, nahalungkat tuloy ng ibang fans ni Maine Mendoza ang kanyang tweet noong 2013 na binanggit ang pangalang “Arjo”.

“Arjo cutie [crying emoji],” ang pahayag sa tweet.

‘Di man siguradong ang actor na si Arjo Atayde ito, pero usap-usapan ngayon ng mga fans ng dalawa na tila matagal nang may gusto si Yaya Dub sa aktor kaya naging mabilis ang kanilang pagkakamabutihan.

May ilang nagsabi pa nga kay Maine na sino’ng mag-aakalang makakatrabaho niya si Arjo Atayde makalipas ang limang taon (base sa tweet ni Yaya Dub noong 2013).

Nagkasama ang dalawa sa Metro Manila Film Festival 2018 entry na Jack Em Popoy: The PulisCredibles. Nagsimulang mag-shooting ang pelikula noong August 2018 at nagsimulang lumabas ang dalawa noong October 2018.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page