top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

HOROSCOPE | ENERO 25, 2019 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 25, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ENERO 25, 2019 (Biyernes): Pamin­san-minsan, kailangan mong pumunta sa ma­lalayong lugar dahil sa ganitong paraan la­mang mananariwa ang iyong kapalaran at magbaba­likan ang mga suwerte mo sa buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magbawas ka ng pabi­gat sa iyo. Hin­di lang mga tao kun­di maging ang mga ak­tibidad na nahihirapan kang ituloy, kapag gi­nawa mo ito, gagaan ang buhay mo. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng ku­lay-pink. Tips sa lotto-9-17-20-21-25-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang pada­dala sa iyong damdamin at isip ang iyong paganahin. Ang nakikinig sa isip ay hin­di maliligaw ng landas sa mga pagkakataong nag­tatalo ang kanyang isip at damdamin. Masu­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-22-27-34-38.

GEMINI (May 21- June 20) - Ituloy mo ang dis­kar­te mo, ibig sabihin, hindi ka nanga­ngailangan ng bagong ideya o pagpapalit ng por­mula. Muli, ituloy mo ang nasimulan mo na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwer­teng ku­lay-blue. Tips sa lotto-8-10-13-26-31-33.

CANCER (June 21- July 22) - Ku­mon­sulta ka muna sa mala­lapit sa iyo bago ka mag­pasya. May babala na kapag ang pasya mo ay nagmula sa iyo, mamamali ka! Ito ang mensahe ng iyong kapa­laran. Masuwerteng ku­lay-black. Tips sa lotto-8-14-27-30-39-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Katahimikan ang iyong ka­ilangan lalo na sa panahon ngayon. Lumayo ka sa mga nag­papasakit ng ulo mo at umiwas ka sa nagbibigay sa iyo ng sama ng loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-vio­let. Tips sa lotto-12-20-29-38-39-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Labas-masok sa isipan mo ang magagan­dang ideya. Huwag mo itong ipagdamot sa kapwa mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-10-16-17-22-28-36.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawak mo ang kapala­ran ng iba. Na­kagugulat ang ganitong oportunidad dahil ito ay nagsasabing, kaya mong gamitin ang ibang tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-19-21-29-32-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ayaw ma­kita ng iba na masaya ka. Kaya lalo kang magsaya nang sa gayun ay sila ang malungkot. Hindi ka da­pat maapektuhan ng ma­sa­mang hangarin nila la­ban sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-18-20-27-34-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Papasok sa isip mo ang kakaibang susi ng tagumpay na magda­dala sa iyo sa mas magan­dang buhay. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-15-17-26-35-45.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dumara­mi ang gus­tong maisa­han ka dahil sa iyong ka­baitan. Mag-ingat ka at mas ma­buting iwasan mo na kung sino ang nandaya sa iyo. Ma­su­werteng kulay-green. Tips sa lotto-7-18-20-24-28-31.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Madali kang mapani­wala ngayon. Ano ang solusyon? Lumayo ka sa mga palakuwento lalo na sa magagaling mang-uto. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lot­to-11-15-16-27-33-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumating na ang takdang-araw at ito ay ngayon kung saan naka­bu­kas ang tainga ng langit at hinihin­tay ang iyong mga kahili­ngan. Humiling ka na! Ma­suwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-21-27-33-38-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page