Dehins knows kung dapat na bang maghanap ng bagong career
Dear Roma, Ako si Dane, 28 years old at nagtatrabaho bilang college instructor. Noong mga unang buwan ko sa trabaho, nag-e-enjoy ako sa ginagawa ko dahil madalas akong nakikipag-usap sa mga tao, pero ngayon, bigla akong napagod sa ginagawa ko, para bang nagsasawa na ako. Gusto kong mag-resign para makahanap ako ng bagong gagawin, kaya lang, parang masyadong mabilis ang desisyon ko. Sana, mapayuhan ninyo ako. Maraming salamat! — Dane
Dane, Naku, huwag kang masyadong mabilis magdesisyon, iho. Ang maipapayo namin sa’yo ay kung sa tingin mong napapagod ka na, eh, magpahinga ka muna. Posibleng nami-miss mo lang ang dati mong buhay kaya pakiramdam mo ay nagsasawa ka na sa mga ginagawa mo. Kaya kung may oras ka ay mag-unwind ka muna. Pumunta ka sa lugar na tahimik kung saan maaari kang makapag-isip-isip, gayundin, puwede kang makipagkita sa mga kaibigan mo nang sa gayun ay makapagkuwentuhan kayo. Kaya mo ‘yan, fight! God bless!





Comments