Bangko niratrat, 5 todas
Jersey Sanchez
Jan 25, 2019
1 min read
PINAGBABARIL ang bangko dahilan para masawi ang lima katao sa Serbing, Florida.
Ayon sa Serbing Police Department, kinilala ang gunman na si Zephen Xaver, 21.
Si Xaver mismo ang tumawag sa pulisya para ipaalam na siya ay nagpaputok ng baril sa Sun Trust Bank.
Gayunman, nagtago pa umano ang suspek nang dumating ang mga pulis ngunit, sumuko rin ito sa mga tauhan ng SWAT.
Nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi si Gov. Ron DeSantis.





Comments