4 patay sa protesta
- Jersey Sanchez
- Jan 25, 2019
- 1 min read
PATAY ang apat katao matapos ang madugong protesta sa Venezuela.
Tagasuporta at tutol umano kay President Nicolas Maduro ang mga sangkot sa protesta.
Ayon sa Social Conflict Observatory, kabilang sa mga nasawi ang 16-anyos na babae nang magtamo ng tama ng bala ng baril habang ang iba pa ay nasawi sa kasagsagan ng looting na naganap sa Bolivar City.
Sinunog din umano ng mga nagpoprotesta ang estatwa ng iconic socialist revolutionary leader na si Hugo Chavez.
Sumiklab ang kaguluhan matapos manumpa sa tungulin si Maduro, dalawang linggo na ang nakararaan.





Comments