West sumba, Indonesia muling niyanig
MULING niyanig ng Magnitude 6.7 na lindol ang East Nusa Tenggara ng West Sumba sa Indonesia, ala-1:59 ng hapon (local time), ayon sa The Meteorology Climatology and Geophysics Agency (BMKG).
Bago maganap ang pagyanig, nakaranas umano ng tatlong mahihinang lindol ang mga residente sa lugar.
Unang niyanig ng Magnitude 6 ang naturang lugar, alas-6:59 ng umaga noong Martes kung saan sinundan ito ng dalawang aftershocks na Magnitude 5.2 at 3.2 matapos ang isang oras.
Gayunman, naitala ang episentro ng lindol sa dagat na may lakas na Magnitude 6.7 at 120 kilometers southwest ng Waikabubak sa West Sumba at may lalim na 10 kilometro.
Wala pang naiuulat na casualties sa nasabing pagyanig.





Comments