top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Sagipin ang mga bata mula sa droga

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 24, 2019
1 min read

MATAPOS ang pagkakahuli sa 12 menor-de-edad sa isang buy-bust operation, kapwa mananagot ang mga magulang at kapulisan.

Balak sampahan ng kaso ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mga magulang ng 12 menor-de-edad na naaktuhan sa iba’t ibang drug den sa Navotas City, kamakailan.

Mahaharap ang mga magulang sa paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Kung saan ang pagpapabaya sa kabataan ay isang uri ng pang-aabuso.

Kailangang magpaliwanag ang mga magulang kung bakit hindi nila naprotektahan ang kanilang mga anak laban sa impluwensiya ng iligal na droga.

Hindi maitatangging may mga magulang na mismong sila pa ang nagsasangkot sa kanilang anak sa iligal na gawain.

Bagama’t, nauna nang itinanggi ng ilang magulang ng nasabing mga bata na sangkot sila o kanilang pamilya sa kalakaran ng droga.

Samantala, tatlong pulis naman ang sinibak dahil sa talamak na droga at pawang mga bata ang kanilang ginagamit na drug couriers.

Kung ang mga magulang ay tila pabaya, ang kapulisan naman ay mga inutil.

Kaya totoong hindi sapat na isalba ang mga bata mula sa droga sa pamamagitan ng isang batas, kailangang magtulungan ang mga magulang at ahensiya ng gobyerno.

Simulan natin ito sa bahay, sa paaralan at sa mga lugar kung saan nalalantad ang kanilang kamalayan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page