Orange alert, itinaas | EIFFEL TOWER, SARADO MUNA
MALAKING bahagi ng France ang itinaas sa orange alert dahil sa mapanganib na lebel ng nyebe at yelo.
Ikalawa umano ang orange alert sa pinakamataas na warning level pagdating sa nyebe at yelo.
Gayunman, binalaan ng national weather agency ng bansa ang publiko na huwag munang lumabas ng kani-kanilang tahanan.
Batay sa impormasyon, 24 departamento sa northern at central France at ilang bahagi ng France ang apektado ng snowfall.
Mahigit limang sentimetro ng nyebe ang bumagsak sa Paris noong Martes dahilan para pansamantalang isara ang Eiffel Tower bilang precautionary measure.





Comments