Nakakabulaga naman siya… ACTOR, 'DI ALAM ANG IBIG SABIHIN NG SIAMESE TWINS, BUKING NA BOPOLS
- Beth Gelena
- Jan 24, 2019
- 1 min read
BLIND ITEM:
SADYANG pinag-aaway lang sina Actor A at Actor B.
Bina-bash ang mahusay na Actor A dahil siya raw ang naunang gumawa ng move nang patamaan niya si Actor B dahil sa pagkakamali nito sa pagbasa ng name ng isang sikat na foreign celebrity. Nagkamali na nga raw, eh, ipinamukha pa ni Actor A.
May ugat kung bakit pinagsasabong ang dalawa — dahil sa isang babae. Pero si Actor B, dedma lang sa isyung ito.
Pero, hindi lang naman daw isang beses nagkamali si Actor B. May time na tinanong daw nito ang isa sa kambal kung Siamese ba sila? Eh, ‘yung tinanong ay ‘di raw kasama ang kakambal kaya obvious daw na hindi alam ni Actor B na “conjoined” ang ibig sabihin ng Siamese twins.




Comments