top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kaya umiwas ka sa mga reyna at hari ng sablay, besh! BABAENG SA SANDALING DUMIKIT SA MGA TAONG MASUS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 24, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro, Matagal na akong sumusubaybay sa inyong mga artikulo, Maestro, natigil lang ito nu’ng kinapos ako sa budget, kaya nais kong malaman kung bakit hindi ako gaanong sinusuwerte sa buhay? Sa paanong paraan kaya ako susuwertehin at aasenso? Napapansin ko na kahit anong sikap ang gawin ko ay pabagsak ako nang pabagsak. February 6, 1984 ang birthday ko.

Umaasa, Ms. Aquarius ng Caniogan, Malolos City, Bulacan

Dear Ms. Aquarius, Ang birth date mong 6 ang nagsasabing para magbago ang iyong tadhana at gumanda ang iyong kapalaran, isa lang ang dapat mong gawin, ang magmahal.

Nangyaring ganu’n dahil ang birth date mong 6 ay may ruling planet na Venus at tuwing ang mga taong isinilang sa petsang 6 (kabilang din silang may birth date at destiny number na 6, 15 at 24) ay nagmamahal, kasunod nito ay suwerte at magagandang kapalarang darating sa kanila habang sila ay nagmamahal at umiibig.

Samantala, sino ang dapat mong mahalin, maging karelasyon o kaibigan?

Sino pa, eh, di silang mga isinilang sa zodiac sign na Libra lalo na ‘yung ipinanganak sa buwan ng Oktubre, partikular silang may mga birth date na 3, 12, 21, 30, 9, 18, 27, 4, 13, 22 o kaya ay 31, puwede rin silang may mga birth date na 7, 16 at 25.

Kapag nakakilala ka ng ganyang nilalang, babae man o lalaki, huwag mo na siyang pakakawalan, gawin mo siyang bestfriend, kumbaga, sa talisman o anting-anting ng nagsusugal, kapag palagi nila itong dala-dala, tuluy-tuloy silang nananalo kahit maghapon pa silang nakikipagsugal sa kanilang mga kalaban.

Gayundin sa buhay ng tao, kapag nalaman mo ang “suwerte mong nilalang” at hindi mo na siya inalis sa iyong buhay, makikita mo, hindi ka daratnan ng anumang kamalasan, bagkus, ang palaging darating sa iyong buhay ay puro suwerte at magagandang kapalaran.

Pero, sa reyalidad ng buhay, siyempre, may mga pagsubok at problemang dumarating dahil lahat ay nakararanas ng problema, kaya kapag kasama mo ang nasabing “suwerteng tao o nilalang”, makikita mo, madali mong magagapi at masosolusyunan ang bawat pagsubok at problemang darating sa iyong buhay.

Ganu’n ‘yun! May eksaktong birth date kang dapat hanapin upang ikaw ay lumigaya, suwertehin sa buhay at kapag natagpuan mo ang suwerteng nilalang na nabanggit, kung luhaan ka man ngayon o bigumbigo at bigla mo siyang nakasama, makikita mo, mala-dramatikong hindi ninyo kapwa namamalayan, iaahon ka ng nasabing suwerteng kaibigan sa pagkabigo at kalungkutan dahil ang hindi mo alam at hindi rin niya alam, itinakda pala kayong dalawa ng langit (kahit walang sexual intimacy, okay lang, pero mas maganda kung mayroon) upang magsama, maging mag-bestfriend at magmahalan, habambuhay.

Ganu’n ang gawin mo, Ms. Aquarius, hanapin mo ‘yung birth date at zodiac sign na binanggit na sa itaas at makikita mo sa sandaling natagpuan mo ang nasabing nilalang, parang nagkasakit na nagdahilan lang, kaagad mapapawi ang iyong mga alalahanin sa buhay, mawawala ang mga kamalasan at kalungkutan na iyong iniinda at ngayong 2019, sa edad mong 35 pataas, bubuhos ang mga pagpapala mula sa langit na magdudulot sa iyo ng isang masagana at maligayang karanasan, habambuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page