Driver dedbol sa sekyu
LAGUNA—Isang driver ang namatay nang barilin ng security guard, kamakalawa sa Bgy. II-A, San Pablo City sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Rodel Jordan, samantalang, ang suspek ay si Maximino Ceria, kapwa nagtatrabaho sa Lucky Hardware Trading sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sina Jordan at Ceria na humantong sa suntukan at nang maagrabiyado ay agad kinuha ng suspek ang kanyang service firearm at binaril ang biktima na agad nitong ikinamatay.
Agad namang nadakip ng rumespondeng pulisya ang suspek.





Comments