Dalawa Ni: DTMT


Dalawang salita ang sinabi mo sa akin kaya ako sa iyo ay nahumaling.
“Gusto kita”, sambit mo
Nagulat ako at napahampas sa pinto.
“Seryoso ka ba?”, ganito ang sagot ko.
“Oo naman”, ang pahabol mo.
Lumipas ang mga araw at ikaw ay tuluyang nanligaw, sinagot kita at tayo ay naging masaya.
Umabot ng isang taon ang ating pagsasama, ngunit, medyo lumalamig na.
Pinilit nating ilaban pa at nagta-gumpay naman tayo.
Dalawang taon na mula noong sinabi mong “mahal kita”, ngunit, ngayon ay nagpapaalam ka na.
Dalawang salita ang sinabi mo sa akin, “ayoko na”.
Napakasakit, pero ano ba ang magagawa ko? Kung ayaw mo na, eh, di ayoko na rin.
Tinuruan mo akong mahalin ka, sana turuan mo rin akong kalimutan ka.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments