top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

BOXMEER, PATOK SA GROUP RACE

Green Lantern
Jan 24, 2019
1 min read

RENDA at LATIGO

HAHATAW ngayong gabi ang “Additional One Win in Group Races” at Condition Race sa bakuran ng San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa Carmona, Cavite. Limang Condition Races at dalawang Group Races ang bibitawan ngayong gabi na kapapalooban ng Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4. Sa race 1 kung saan magsisimula ang WTA, pinapaboran ng “bayang karerista” ang kalahok na Barrio San Jose at Watermania sa Condition Race (18).

Anim na kalahok ang bibitawan sa Race 2 at pinapaboran ang Oceanside laban sa Rocking Hill at Princess Tin sa pag-alagwa ng Group Race (11) na umpisa ng Pick 6. Kitang-kita ang kalamangan ng magka-couple entry na Apo Moon at Boom Boom Thailer laban sa katunggali na Cannon Ball habang ang Princess Wynette ay pangdehado sa Race 3.

Walang kasing patok ang kalahok na Boxmeer sa Race 4 habang ang mga kalahok na Glitter Face, Backdoor Cover at Breaking News ay maglalaban sa Group Race (6-7). Sa Race 5, maglalaban-laban ang Jacobo’s Magic, Silver Glow at Magnificent Seven sa pag-alagwa ng Condition Race (17). Sa race 6, ipinapatok ang Leonora’s Angel habang ang Mahilig, Congregation at Summer Star ay naghihintay ng magandang pagkakataon sa Condition Race.

Magsisilbing paratingan sa Race 7 ang Double Time Swing, Ten Ten Forty at My Lady Consa sa WTA, Pick 6,Pick 5 at Pick 4. Tip ni Mang Ding - Race 1- Barrio San Jose(4) Watermania(2) Race 2- Oceanside (1) Rocking Hill (6).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page