Arjo, after aminin si Maine… ALDEN, OUT SA EAT BULAGA!

Nitz Miralles / BIDA

NAKAKATAWA ang nabasa naming conspiracy theory ng ibang fans na nabigla sa pag-amin ni Arjo Atayde sa presscon ng ‘Tol na “exclusively dating” sila ni Maine Mendoza.
May nabanggit daw si Arjo na death threats sa kanya at sa kanyang pamilya dahil sa pagkakaugnay kay Maine. Si Alden Richards at ang ilang fans ng aktor ang pinaghinalaan ng mga fans na nagpapadala ng death threats kay Arjo at sa pamilya nito. Affected daw kasi ang career ni Alden sa pagdating ni Arjo sa buhay ni Maine.
‘Kalokang conspiracy theory ‘yan at si Alden pa talaga ang inisip na magpapadala ng death threats?
Nagso-solo na ang aktor sa mga projects niya at ganu’n din si Maine, hindi na sila nakadepende sa love team. Sana, suportahan na lang sila ng kani-kanyang fans.
Anyway, the day after umamin si Arjo na “exclusively dating” sila ni Maine, absent si Alden sa Eat... Bulaga! at si Menggay lang ang present. May importanteng pinuntahan at inasikaso si Alden na saka n’yo na malalaman kung ano at para saan.





Comments