2 kelot tepok sa aksidente
PANGASINAN—Dalawang lalaki ang namatay nang aksidenteng bumangga sa isang steel barrier ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Camantiles, Urdaneta City sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga biktima na sina Robert Daus at Alberto Baga, kapwa residente ng nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Daus sa pagmamaneho ng motorsiklo habang angkas si Baga kaya bumangga sila sa steel barrier sa naturang lugar.
Dinala pa ng mga saksi sina Daid at Baga sa ospital, pero kapwa idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan ang dalawang biktima.





Comments