Mangingisda nagbigti sa bahay
Pabs Hernandez III
Jan 23, 2019
1 min read
PANGASINAN—Isang mangingisda ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbigti, kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Siapar, Anda sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Marcos Godila, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, ilang kamag-anak ni Godila ang nakatagpo sa nakabiting bangkay nito sa loob ng kanilang bahay.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang motibo ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.





Comments