Kung puro iyak at kalungkutan ang naramdaman mo last year, lodi! TIPS PARA MAGING MASAYA NGAYONG 201

LAHAT tayo, eh, walang ibang hinihiling kundi gumising sa umaga nang totoong maligaya at walang itinatagong kalungkutan, ‘di ba? Kaya mga lodi, ngayong taon, iwasan na natin ang paggawa ng mga bagay na nagiging dahilan para malungkot tayo. Paano nga ba magiging masaya? Dehins n‘yo na kailangan mag-worry dahil narito na ang ilang paraan para maging masaya:
1. SET YOUR MIND ON BEING HAPPY. Ayon sa mga eksperto, ang pagiging masaya ay hindi tungkol sa kung ano ang mayroon ka o kung ano ang nangyari sa iyo nu’ng mga nakaraang araw, bagkus, ang pagiging masaya ay choice kung saan ang paraan para maging masaya ay ang pagsubok na nalagpasan natin. Okie?
2. DO SOMETHING FOR SOMEONE. May mga taong ang paggi-give back sa ibang tao ang ginagawang paraan upang lalo silang sumaya. Ayon sa ilang pag-aaral, ang paggawa ng mabubuting bagay sa ibang tao ang pinakamabisang paraan upang maging masaya. Hindi kailangang maging bongga, kahit ang simpleng pagpapaupo sa mga nakatatanda at buntis sa bus o pampublikong transportasyon ay oks na.
3. CALL A FRIEND. Ang tao ay kilala bilang pro-social beings kung saan ang pagkakaroon ng genuine at meaningful na pagkakaibigan ay kailangan para maging masaya. Gayunman, inirerekomenda ng mga eksperto ang pakikipag-usap sa inyong mga kaibigan o kapamilya kahit kaunting oras lamang kada araw nang sa gayun ay manatili kayong konektado sa isa’t isa.
4. LOOK BACK AND FORWARD. Siguradong mayroong mga pangyayari sa ating buhay na hindi maganda kaya pinagsisisihan natin ito, ngunit, ayon sa pag-aaral, ang pagpopokus sa magagandang alaala ay magandang paraan para makuntento tayo sa buhay. ‘Ika nga nila, gamitin nating inspirasyon ang mga bagay kung saan tayo nabigo nang sa gayun ay mas maging mabuti pa tayong mamamayan. Ganern!
5. SAVOR THE MOMENT. Ang pagdama sa moment ay nakatutulong upang ma-appreciate natin ang mga bagay na mayroon tayo sa kasalukuyan. ‘Ika nga nila, “don’t miss the flowers in the garden” kung saan ang quote na ito ay nagsasabing, huwag nating kalilimutan ang maliliit na bagay na mayroon tayo dahil mayroon itong halaga. Copy?
6. CHOOSE TIME OVER STUFF. Dahil tumatanda na tayo, mas kaunti na lamang ang oras na mayroon tayo para sa ibang bagay, gayundin, mas naa-appreciate natin ang oras kaysa sa mga materyal na bagay. Ayon sa mga eksperto, ang paglalaan ng oras sa mga mahal sa buhay, partikular sa iyong pamilya ay isa sa mga magagandang paraan upang maging tunay na maligaya. Kaya mga lodi, i-set n‘yo na ang date kasama ang inyong pamilya.
7. DO WHAT YOU BELIEVE IN. Ayon sa pag-aaral, ang paggawa ng mga bagay na gusto talagang gawin ng indibidwal ay paraan upang maging ‘genuinely happy’. Kabilang na rito ang pagsali sa mga organisasyon na may kinalaman sa pagbo-volunteer sa mga Simbahan, bahay-ampunan at animal shelter.
8. SEEK OUT GOOD NEWS. Natural na mga negatibong bagay ang una nating makikita sa TV tuwing umaga kung saan nase-set sa negatibo ang mood ng indibidwal, ngunit, posible pa ring mabago ito kapag positibong balita ang mapanonood natin. Subalit, mga beshy, puwede rin tayong pumunta sa mga website na nakapagbibigay ng good vibes. Ha-ha-ha!
‘Ika nga nila, hindi masamang maging masaya kung wala kang tinatapakang iba. Kaya mga bro at sis, sundin n‘yo lamang ang mga tip na ito nang sa gayun ay maging mabuti at masayang indibidwal tayo.
Gets mo?





Comments