Christian, atat sumikat, naunahan pa… MARTIN, BUMENTA NANG MAGLADLAD
- BULGAR

- Jan 23, 2019
- 1 min read

KUNG hindi lang sana nagmadali noon si Christian Bables at hindi siya basta umalis sa poder nina Direk Jun Lana at Perci Intalan, dapat ay sa kanya napunta ang project na Born Beautiful na sequel ng Die Beautiful ni Paolo Ballesteros.
Kay Martin del Rosario ibinigay ang role bilang Barbs na bida sa Born Beautiful. Game na game sa mga daring scenes si Martin kaya umani ng mga papuri mula sa mga kritiko at moviegoers. Markado ang character niya bilang transgender. Nagkaroon ng ingay ang Born Beautiful sa gay community at marami ang nagkainteres na ito’y panoorin.
Malaki ang magagawa at maitutulong ng movie sa career ni Martin. Tiyak na daragsain siya ng movie offers mula sa mga producers na nakapanood ng Born Beautiful. Hindi lahat ng aktor ay magiging komportableng gumanap na gay o transgender at magkaroon ng kissing scene sa kapwa lalaki.
Hindi naging madali para kay Martin ang gumanap bilang si Barbs pero gusto niyang i-test ang kaya pa niyang gawin as an actor kaya tinanggap niya ang hamon ng Born Beautiful. Hindi siya nagsisisi at hindi rin niya ‘yun ikinahihiya.





Comments