top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Binatang dehins knows kung paano sasabihin sa gf na ayaw niya ang mga isunusuot nitong damit

ROMA AMOR
Jan 23, 2019
1 min read

Dear Roma, Ako si Jester, 18 years old. Ngayon ay may GF ako, ang pangalan niya ay Chie, nu’ng nakilala ko siya, ‘yung mga pormahan niya ay medyo boyish pa, pero ngayong kami na, napapansin kong nagso-short na siya ng sobrang ikli, tapos, nagsasando siya. Sa totoo lang, ayoko sana na ganu’n ang mga isinusuot niya dahil ayaw kong bastusin siya ng iba tao. ‘Yun nga lang, hindi ko masabi sa kanya dahil baka pag-awayan pa namin ‘yung ganu’n, kaliit na bagay. Ano ang dapat kong gawin? — Jester

Jester, Sa totoo lang, bro, sa tingin namin ay kulang kayo sa komunikasyon ni Chie at ‘yun ang dapat ninyong i-enhance. Huwag kang matakot na mag-away kayo dahil walang masama sa punto mo, pero dapat mo itong ipaliwanag nang maayos sa iyong GF. Sisiw lang ‘yan, bro, yakang-yaka mo ‘yan. Good luck at God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page