Ang laki ng balakang… ANNE, OBYUS NA MALAPIT NANG MAGKAANAK
- BULGAR

- Jan 23, 2019
- 1 min read

SPEAKING of It’s Showtime, sobrang natuwa at na-happy ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa kanyang ‘bebe girl’ na si Anne Curtis sa pagpayag nito na mag-cameo role sa upcoming movie niya.
Nag-post si Ai Ai ng picture nila ni Anne sa kanyang Instagram account kung saan nakasaad doon ang kanyang mensahe ng pasasalamat sa host ng It’s Showtime.
“Thank you baby girl @annecurtissmith .. as always hindi mo ako nakalimutan ang aking anak sa dyesebel.. na madami ng narating ay mabait na anak pa din. Sabagay, mabait naman talagang anak ‘to. Naalala ko dati binili n’ya ang mommy n’ya ng house sa Australia kaya super work s’ya,” mensahe ni Ai Ai.
Nagkatrabaho sina Ai Ai at Anne bilang mag-ina sa comedy movie ng yumaong direktor na si Wenn Deramas na Ang Cute ng Ina Mo noong 2007, na nasundan naman ng fantaserye ng ABS-CBN na Dyesebel nu’ng 2014.
Kasama rin sa mensahe ni Ai Ai kay Anne ang dasal niya na magkaroon na siya ng apo sa TV host-actress. Mukhang any moment ay magkaka-baby na si Anne at mister niyang si Erwan Heussaff.
Pansin na sa TV ang lumalaking katawan at balakang ni Anne ngayon, huh? While si Ai Ai naman, isa sa main goals niya sa 2019 ay magka-baby na sila ng mister niyang si Gerald Sibayan. Siyempre, with the help of siyensiya.




Comments