Sumikat bilang kontrabida… KATE, AYAW MATULAD KAY THEA SA SIYETE


MARAMING dapat na ipagpasalamat sa seryeng Onanay ang young Kapuso star na si Kate Valdez. Bukod sa nakatrabaho niya ang Superstar na si Nora Aunor at ang magaling na aktres na si Cherie Gil, napansin din ang galing niyang umarte sa kanyang role bilang si Natalie. Anak siya ng little person na si Jo Berry.
Lutang na lutang ang karakter ni Kate bilang isang spoiled brat na pinalaki ni Cherie Gil. Nakipagsabayan sa pag-arte si Kate kina Nora, Cherie at Jo. Kung hindi sa Onanay napunta si Kate, tiyak na hindi siya gaanong mapapansin.
Pero kung marami ang pumupuri at nagagalingan kay Kate, nag-aalala naman ang young actress na baka ma-typecast siyang kontrabida at puro bad girl ang role na ibigay sa kanya, tulad ng nangyari kay Thea Tolentino na magaling ding kontrabida.
Paniniyak naman nina Direk Gina Alajar at Ms. Cherie Gil, pambida ang porma ni Kate Valdez. Hindi ito mata-typecast na kontrabida. Bentahe nga na maaga siyang nabigyan ng challenging role via Onanay na kinarir niya nang husto.





Comments