SIKAT NA SINGER-ACTRESS, NAGPAPA-TABLE SA CLUB BAGO NA-DISCOVER SA REALITY SHOW
- Beth Gelena
- Jan 22, 2019
- 1 min read
BLIND ITEM:
PRODUKTO ng isang reality show ang ating bida bago naging sikat na aktres at singer.
Pero bago pa siya napasok sa reality show ay kumakanta-kanta na siya sa isang bar sa Manila. Ang naturang bar ay may private room kung saan puwedeng mag-table ng mga babae.
Ayon sa aming source, sadyang maganda na ang timbre ng boses ng aktres at hindi raw niya aakalaing sa murang edad nito ay papayag nang magpa-table.
Ang siste, ang ka-table pala that time ng mahusay na aktres ngayon ay ang aming source mismo. But in fairness, wala naman daw siyang masamang intention sa singer. Katunayan, bilib na bilib siya ngayon sa actress na ito dahil nakaalis sa club na pinapasukan at hindi napariwara ang buhay.
Ngayon ay maganda na ang buhay ng singer-actress.
Tanong nga namin sa aming source, namumukhaan ba siya ngayon ng aktres?
Sagot niya, “Palagay ko, hindi, kasi siyempre, ‘pag nasa private room kayo ng isang club ay madilim.”





Comments