Proposal ni trump ibinasura ng democrats
MULING binanatan ni U.S. President Donald Trump ang Democrats nang ibasura ng mga ito ang kanyang proposal upang matapos na ang government shutdown.
Ayon kay Trump, dapat umanong pag-aralan nang mabuti ang kanyang proposal bago nila ito ibasura.
Gayunman, ayon sa proposal, dapat payagan ang 700,000 ‘dreamers’ o menor-de-edad kasama ang kanilang mga magulang na mabigyan ng proteksiyon hanggang tatlong taon.
Gayundin, mabibigyan ng proteksiyon ang mahigit 300,000 migrants mula sa mga bansang giyera na may visa na Temporary Protection Stats (TPS).
Ayon sa mga Democrats, ang naturang proposal ay hindi katanggap-tanggap, ‘non-starter’ at ‘hostage-taking’.





Comments