Kapuso actor, nag-post ng picture nila… DENNIS, BINANATAN NG NETIZEN SA PAGSUPORTA KAY BONG, TODO-DE

Nitz Miralles / BIDA

SINAGOT ni Dennis Trillo ang nag-comment ng “Why support the guy?” sa ipinost niyang picture nila ni Bong Revilla, Jr. na magkatabi sa eroplano pabalik yata ng Manila mula sa pagdalo sa Sinulog Festival sa Cebu.
Sagot ni Dennis, “Katabi lang sa plane, relax, support agad?”
In fairness, nag-sorry naman agad ang netizen na nag-comment noon at ang sabi, puwede naman siyang tumanggap ng pagkakamali.
Nakakaaliw nga ang caption ni Dennis sa photo nila ni Bong na: “Alyas Pogi w/ Elias Pogi #anakngteteng #returnofthecomeback.”
Ang “Alyas Pogi” na tinukoy ni Dennis ay si Bong dahil ‘yun ang tawag sa kanya at title ‘yun ng comeback movie niya.
Ang “Elias Pogi” naman ay patungkol ni Dennis sa pangalan ng karakter niya sa Cain at Abel kung saan paigting nang paigting ang takbo ng story at patindi nang patindi ang mga action scenes.
Nag-i-enjoy si Dennis sa mga action scenes na ipinagpapasalamat niya kay Director Toto Natividad at mga fight directors na sina Val Iglesia at Boy Roque. Sa drama scene ay si Don Michael Perez naman ang in-charge.





Comments