Grupo ng kagawad huli sa drug-bust
MASBATE—Isang kagawad at anim pang kasamahan nito ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Terraplin, San Pascual sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Kagawad Joeper Corporal, residente ng Bgy. Ki-Buaya, Albert Sadon, Mark Rabi, Romualdo Basquinas, Rey, Mark at John na pawang may apelyidong Bello at pawang nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na nahuli sa akto ng mga awtoridad ang mga suspek habang nagsasagawa ng pot session sa nasabing lugar.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments