Para sa mga palaging nakatambay sa bahay diyan, read n‘yo ‘to! TIPS PARA MAGING AKTIBO SA OUTDOOR AC
- Jersey Sanchez
- Jan 21, 2019
- 3 min read

SA mga nagdaang taon, tiyak na marami sa atin ang madalas na nasa loob ng bahay, opisina, paaralan at mall. Ngunit, ngayong taon, bakit hindi natin subukang maging aktibo? Kaya mga beshy, narito ang ilang paraan upang maging aktibo tayo sa outdoor activities kung saan mapahahalagahan natin ang ating kalikasan:
1. TRY NATURE-BASED ACTIVITIES. Marami kang maaaring matutunan sa pagsubok nito, lodi! Kabilang dito ang orienteering kung saan isa itong sport na tila pinaghalong racing at navigation.
Matututo ka ng ilang life skills tulad ng tamang paggamit ng compass at maglakbay sa mga lugar na hindi pamilyar sa‘yo. Bukod sa nakate-train ito ng pisikal na kapasidad ng indibidwal, thrilling din ito. Kaya sa mga mahihilig sa adventure r’yan, alam n‘yo na, ha?
2. JOIN OUTDOOR CLUBS. Parami nang parami ang mga grupo na nagsasagawa ng outdoor activities tulad ng pagha-hike, fun run at iba pang uri ng marathon.
Magandang oportunidad ito upang makakilala ka ng mga bagong tao at magkaroon ka ng mga bagong experience. Tama na muna ang pag-i-scroll sa social media, lodi, ngayong medyo tumatanda na tayo, eh, mas mabuting konektado tayo sa outside world kaysa sa digital world. Gets mo?
3. LOOK FOR ACCIDENTAL NATURE. Dahil sa pagiging hectic ng schedule ng karamihan sa trabaho at eskuwela, madalas na lamang silang nasa loob ng opisina at kung minsan ay wala nang ibang nakikita kundi ang napaka-busy na siyudad at mga kalsada.
Kaya mga beshy, kung nagko-commute kayo papunta at pauwi mula sa opisina o paaralan, why not na subukan ninyong pumuwesto sa lugar kung saan may malapit na bintana? Sa ganitong paraan, tiyak na makatatanaw kayo ng ilang puno, mga ibon at kung minsan ay sunset. Mahalagang masilayan natin ang nature kahit sandali lamang dahil nakatutulong ito sa pagpapakalma sa atin.
4. VISIT LOCAL PARKS. Kailan ka huling bumisita sa mga parke na malapit sa inyong lugar? Hmmm… Kung medyo matagal na, lodi, bakit hindi mo subukang pumasyal doon tuwing umaga? Kung wala kang oras sa umaga, eh, ‘di kapag day-off mo o weekend, ‘di ba?
Sa simpleng pagbisita roon, maaaring bumalik sa iyong alaala ang iyong pagkabata kung saan doon kayo madalas maglaro ng mga kapatid o kaibigan mo. Ang saya, ‘di ba? Puwede kang maglakad-lakad at mag-exercise roon o kaya naman ay magmuni-muni. Copy?
5. TRY GARDENING. Ngayong 2019, hindi na tayo dapat nagtatanim ng sama ng loob dahil bukod sa wala itong naidudulot na maganda sa mental health natin, nakasisira rin ito ng mga pinagsamahan. Kaya mga bro at sis, try na ninyong magtanim ng mga halaman.
Bakit? Ayon sa mga eksperto, sa tuwing nakakikita tayo ng kulay berde, napakakalma nito ang ating isipan, gayundin, maganda ito sa paningin. Kaya para sa mga mamshie r’yan, gawin ninyong bonding ito nina bagets nang sa gayun ay matutunan nila ang tamang pangangalaga sa kalikasan na kanilang mapakikinabangan pagdating ng panahon.
6. ACCESS NATURE WHEN TRAVELLING. For sure, marami r’yan ang magta-travel ngayong taon, kaya mga lodi, bago ninyo bisitahin ang magagandang siyudad, mabuting puntahan n’yo ang mga lugar na bida ang nature.
Sa ganitong paraan, mas maa-appreciate ninyo ang natural na ganda ng kapaligiran at siguradong epektibo itong paraan ng pag-a-unwind sa nakai-stress na buhay sa siyudad. Oks ba ‘yun? He-he-he!
Sana ay may nagustuhan kayong paraan kung paano magiging aktibo sa outside world at mas mapahahalagahan ang kalikasan hangga’t kaya pa natin itong puntahan. Kaya mga lodi, huwag na kayong magpatumpik-tumpik pa at simulan n‘yo na ang pagpaplano kung paano ninyo sisimulan ang mga ito.
Copy?





Comments