2 serye ng Dos, no match sa tapatan, tsugi! LIZQUEN AT JOSHLIA, TAOB KAY JO BERRY


SMALL but terrible. Ito ang napatunayan ng mga sumusubaybay sa top-rating primetime seryeng Onanay ng GMA Network.
Isang baguhan kasi na little person ang bida rito, si Jo Berry, na sinuportahan ng malalaki at magagaling na artista tulad nina Nora Aunor, Cherie Gil, Gardo Versoza, Wendell Ramos, atbp.. Isang magaling na aktres-direktor din ang nagdirek, si Ms. Gina Alajar.
And yet, sa unang buwan pa lang ng Onanay kung saan nakatapat nito ang seryeng Bagani na pinagbidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil, namayagpag na ito sa rating. Nagtapos na sa ere ang Bagani pero patuloy pa ring umeere ang Onanay.
Nagsalpukan din ang Onanay at ang seryeng Ngayon at Kailanman na sina Julia Barretto at Joshua Garcia ang mga bida, but still, hindi bumitiw ang mga viewers sa serye ni Jo Berry. Maraming naka-relate at nakisimpatya kay Onay (Jo).
Namaalam na rin ang NAK at ang Onanay ay patuloy pa ring umeere. Hindi mabitiwan ng mga viewers ang matitinding eksena nina Jo, Nora, Cherie, Kate Valdez, Mikee Quintos, etc..
Kumbaga sa boksing, dalawang kalaban na ang itinumba ni Jo Berry — ang tambalang LizQuen at JoshLia!





Comments