top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

HOROSCOPE | ENERO 21, 2019 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 21, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ENERO 21, 2019 (Lunes): Iisa lang ang patutunguhan ng iyong kapalaran at ito ay ang lubusang katuparan ng iyong mga pangarap sa buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi dapat maubos ang mahahalagang oras mo sa mga taong hindi nakikiayon sa iyong mga kagustuhan. Huwag mo silang pansinin, ginto ang bawat oras para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-24-33-37-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipanatag mo ang iyong ka­looban. Lihim na kikilos ang langit nang sa gayun ay mabigyang-daan ang katuparan ng iyong mga pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng ku­­lay-green. Tips sa lotto-15-16-22-28-31-34.

GEMINI (May 21- June 20) - Piliin mo ang maliit. Oo, ‘yung maliit dahil ayon sa iyong kapalaran, magsisimula ang malala­king bagay para sa iyo mula sa maliit na bahagi ng buhay mo. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­wer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-12-14-28-30-37.

CANCER (June 21- July 22) - Kailangan mo ngayon ng malalakas ang loob. Sila ang tatangay sa iyo kung saan abot-ka­may mo na ang iyong mga pangarap at ang isa pa, sa totoo lang, sila rin ang iyong ligaya. Masuwer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-16-19-22-24-43-46.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi basta-basta sinu­su­god ang gus­tong makuha. Tinititigan muna ito at saka nilalapi­tan. Ito ang hiwaga ng kalikasan na may kaug­nayan sa lahat ng may buhay at pinapangarap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-13-15-20-21-24-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Masyadong ma­raming laman ang isip mo. Magbawas ka at ang itira mo lang ay ang madali at mabilis mong magagawa. Ito ang sikreto para sa mas maunlad na buhay. Ma­suwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-10-15-24-32-37.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka ma­bibigo kapag ang ginawa mo ay ang ginawa na ng iba kaya sila nagtagumpay. Huwag ka nang sumubok pa ng bagong ideya o por­mula na puwede mong ika­pa­ha­mak. Masuwerteng ku­­lay-blue. Tips sa lotto-7-11-15-21-26-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang makigulo sa magulong sitwasyon. Hayaan mo sila sa kanilang kursunada. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng ku­lay-black. Tips sa lotto-5-7-14-15-23-31.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag magkakatabi ang mga ba­hay, wala itong pag-asen­so. Mainam kung hiwa-hi­walay ang bahay na ti­tir­han mo. Ito ang mensa­he para sa iyo. Masuwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-2-15-18-20-22-26.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tatag ng kalooban ang iyong kaila­ngan. Kusang nagsisilayasan ang mga pagsubok kapag nakita nilang ang tao ay may matatag na persona­li­dad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-20-24-29-30-33-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dahan-dahan mong balikan ang iyong mga kabiguan sa nakaraan. Nagkamali ka dahil napakabilis mong magpasya. Sa ngayon, hin­di ka mabibigo kung ha­bang kumikilos ka ay nag-iisip ka. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-3-14-18-20-24-32.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon da­hil kahit hindi ka naniniwala na bubuwenasin ka, mapa­sasaiyo pa rin ang magan­dang kapalarang labis mong ikagugulat. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-17-19-24-38-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page