Fuel pipeline sumabog, 73 todas
NAUWI sa malaking sunog ang pagsabog ng oil pipeline sa Mexico noong Biyernes.
Batay sa huling tala, 73 katao ang nasawi habang may 74 iba pang sugatan.
Naganap ang pagsabog tatlong linggo matapos maglunsad ng opensiba si President Andres Manuel Lopez Obrador laban sa mga nagnanakaw ng langis sa mga pipeline kung saan umabot sa mahigit 12,000 kaso ang naitala sa unang buwan ng 2018 o 42 pagnanakaw kada araw.
Ayon sa awtoridad, ilang residente ang kumuha ng natapong langis gamit ang mga galon, timba at latang basurahan.
Batay sa ulat ng oil company na Petroleos Mexicanos o Pemex, nagmula ang tagas sa iligal na piple sa isang maliit na bayan sa hilagang Mexico.
May mga video na kumalat sa internet kung saan makikita ang mga residente na kumukuha ng tumagas na langis at sumunod ang paglaki ng apoy at pagtakbo ng mga biktima.
Dahil sa insidente, nanawagan ang mga awtoridad sa mga mamamayan na huwag maging kasabwat ng mga magnanakaw ng langis.





Comments