top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ex-kagawad nilikida ng tandem

Pabs Hernandez III
Jan 21, 2019
1 min read

SULTAN KUDARAT—Isang dating kagawad ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Mamali, Lambayong sa lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si ex-Kagawad Julieto Abalos, nakatira sa nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, nasa loob ng kanilang compound si Abalos nang pagbabarilin ito ng dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page