Chile niyanig ng magnitude 6.7
MAGNITUDE 6.7 na lindol ang yumanig sa north-central Chile.
Ayon sa US Geological Survey (USGS), 53 kilometro ang lalim ng lindol habang ang epicenter nito ay may layong 15 kilometro sa timog-kanluran ng Coquimbo City.
Gayunman, naramdaman din ang pagyanig sa Valparaiso na malapit sa kabisera na Santiago.
Batay sa tala ng National Emergency Office, dahil sa lakas ng pagyanig, libu-libong kabahayan ang nawalan ng suplay ng kuryente.
Samantala, walang naitala na anumang pinsala at nagtamo ng mga sugat sa insidente.





Comments