Chairman timbog sa mga boga at bala
CAGAYAN—Isang barangay chairman ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng mga baril at bala sa loob sa kanyang bahay, kamakalawa sa Bgy. Masical, Amulong sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Chairman Luciano Saquing, residente ng naturang barangay.
Nabatid na sinalakay ng pulisya sa bisa ng search warrant ang bahay ni Saquing at dito nakumpiska ang siyam na baril at mga bala.
Nakapiit na si Saquing na nahaharap sa siyam na kaso ng illegal possession of firearms and ammunitions.





Comments