top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

BATANG PIER, LIDER NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 21, 2019
  • 1 min read

SUMALO sa tuktok ng liderato ang NorthPort Batang Pier matapos kalusin ang NLEX Road Warriors, 95-90 kagabi sa 2019 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Kumayod si Sean Anthony ng 22 points, siyam na rebounds, pitong steals at limang assists upang tulungan ang Batang Pier na kargahin ang malinis na dalawang panalo.

Naging matatag sa dikdikang labanan ang NorthPort upang masikwat ang importanteng panalo at ipalasap sa Road Warriors ang pangalawang sunod na talo.

Nagtala si Moala Tautuaa ng 18 puntos at 11 rebounds para sa NorthPort habang bumakas si rookie Robert Bolick ng 14 markers. Parehong ayaw magpaiwan ng NLEX at NorthPort sa unang dalawang periods, naging agresibo ang dalawang koponan. Nakalamang ng tatlong puntos ang Batang Pier, 25-22 sa first canto pero natapyasan ito sa dalawa, 48-46 sa halftime. Nagpatuloy ang mahigpitang laban ng Road Warriors at Batang Pier sa third quarter, nanatili sa unahan ang NorthPort, 71-70 papasok ng fourth canto. Namuno sa opensa para sa NLEX si JP Erram na nagtala ng 19 pts. at pitong rebounds.

Samantala, muling mapapalaban ang Phoenix FuelMasters sa Miyerkules pagharap nila sa Columbian Dyip sa 4:30 p.m. sa Araneta Coliseum. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page