top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

ARANAS, PASOK NA SEMIFINAL NG PREDATOR GRAND FINALE

Eddie M. Paez, Jr.
Jan 21, 2019
1 min read

NARAMDAMAN ng mga bigating bilyaristang sina Albanian Eklent Kasi at Finland ace Petri Ma­konnen ang angas sa mesa ni Zoren James “Dodong Diamond” Aranas kaya nakahakbang na papasok ng semifinal round ang Pinoy sa 2019 World Pool Series (WPS) Predator Grand Finale sa Steinway Billiards ng New York.

Sa bakbakan sa quar­ter­finals kontra kay Kasi, dating World Pool Billiards Association (WPA) no. 1, hindi kumurap si Aranas kahit pa nakatabla ang Al­banian, 11-11, at sa halip ay rumatsada ito ng dala­wang magkasunod na panalo para sa 13-11 na tiket papunta sa final 4 ng kompetisyong magkaka­loob ng $10,000 cham­pion’s purse.

Sa last 16 round na­man, pinatunayan ng Pinoy, ina­asahang susunod na muk­ha ng Philippine billiards, na hindi uubra sa kanya si Makonnen, WPA no. 20, sa pamamagitan ng iskor na 13-10.

Ito na ang panglimang sunod na panalo ni Ara­nas, may-ari ng pitong ti­tulo mula sa 2018 season, at pang-apat na higanteng pinabagsak niya sa torneo.

Bago ang panalo kina Kasi at Makonnen, itinum­ba rin ni Aranas ang bete­ra­no at dating world cham­pion Darren Appleton ng England, 11-4, si Mako­nen sa round 2 ng elimina­tion sa iskor na 11-7; at si Mike Leahy ng USA, 11-1.

Bukod kay Aranas, nasa semis na rin sina world 9-ball king Joshua Filler ng Germany, ang isa pang Aleman na si Ralf Souquet at si Chris Melling ng England.

Sagupaang Aranas-Souquet at Filler-Melling ang nasa semis centerstage.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page