top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

TOYOGON SA NIGHT OF CHAMPIONS KONTRA ISHII NG JAPAN SA D’FLASH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 20, 2019
  • 2 min read

SASABAK sa isang matinding pagsubok si World Boxing Council (WBC) Asian Boxing Council silver Super Featherweight Champion Al Toyogon sa gagawing pagtaya ng kanyang korona laban kay challenger Ryusei Ishii ng Japan sa D’Flash Ballroom ng Elorde Sports Center sa Sucat, Parañaque sa darating na Enero 26.

Si Toyogon, ang 20-year old pride ng Gingoog City, Misamis Oriental, ay idedepensa ang kanyang korona na kanyang nasungkit laban sa kapwa Pilipino na si Nathan Bolcio ng Benguet noong Hunyo 10. Magsisimula ang bakbakan nila ng 5 p.m.

Tinawag na “Night of Champions XVI”, ang blockbuster boxing card na itinataguyod ng Elorde International Promotions sa tulong ng PAGCOR at Cignal ay tatampukan din ng 12-round title fight nina Ricardo Sueno at Diomel Diocos para sa bakanteng WBC ABCO flyweight championship.

“This is another good night of boxing with our very own Toyogon putting his title on the line against a worthy Japanese challenger,” pahayag ng sikat na boxing promoter na si Gabriel “Bebot” Elorde.

Si Toyogon, mas kilala sa tawag na “The Rock”, ay may hawak ding record na 9 panalo, kabilang ang 6 na knockouts, laban sa 2 talo at 1 tabla. Nanalo sa kanyang debut si Toyogon sa pamamagitan ng technical knockout victory lavan kay Rex Merceno noong Agosto 2015.

Wagi rin siya sa kanyang 4 na laban noong nakalipas na taon, na kung saan pinataob niya sina Naotoshi Nakatani ng Japan noong Pebrero at mga kababayang sina Jason Tinampay noong Abril, Germaine de la Rosa noong Hulyo at Bolcio noong Setyembre.

Ang kanyang 2 talo ay nalasap mula sa mga kamay nina Robin Dingcong noong 2016 at John Ray Logatiman noong 2017. Ang kanyang kalaban na Ishii, ay may rekord na 7-4-1 lahat sa kapwa mga Hapones. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page