Senador, ayaw talagang paawat… PACQUIAO, MAY 2 PA ULING LABAN PAGKATAPOS KAY BRONER
- BULGAR

- Jan 20, 2019
- 1 min read

HINDI pa nga magreretiro sa boxing ang 8 Division Champion na si Manny Pacquiao pagkatapos ng laban niya kay Adrian Broner. Base sa pag-a-analyze ng mga boxing experts, wala pang kabalak-balak na huminto sa boxing si Pacman. In fact, after Broner, nakalinya na raw ang 2 boxing matches ng Pambansang Kamao.
At ang pinakaaabangan nga ng lahat ay ang rematch nila ni Floyd Mayweather, Jr. na posibleng mangyari. Pareho namang payag sina Pacquiao at Mayweather sa kanilang muling paghaharap.
Say ng mga fans at supporters ni Sen. Manny Pacquiao, kahit na mas bata si Broner, hindi naman dehado sa lakas ng katawan si Pacman. Pinaghandaan din niya nang husto ang kanilang laban na magaganap ngayong Linggo sa Las Vegas, Nevada.
Nagpahatid ng dasal ang ating mga kababayan para sa tagumpay ni Sen. Manny Pacquiao. Ang Pacquiao-Broner fight ay mapapanood sa GMA-7 at 10 AM at ang coverage ay mapapakinggan sa DZBB Super Radio nang 9 AM to 1 PM. May replay din ito sa gabi sa SNBO slot ng GMA-7.
Sigaw ng ating mga kababayan, “GO, GO, GO PACMAN!”
Good luck!
◘◘◘
PERSONAL: Belated happy birthday to Joe Barrameda, ex-president of PMPC at kay Mario Bautista. Bumabati rin ng best wishes ang buong Tuliao and Rapadas family sa mga bagong kasal na sina Napoleon Tuliao at Kring Antonio of Iguig, Cagayan.





Comments