Patay sa car bombing, 21 na
TUMAAS pa ang bilang ng nasawi sa car bombing sa police academy sa Bogota, Colombia.
Batay sa huling tala, nasa 21 katao ang nasawi habang sugatan ang 68 iba pa.
Ayon kay Defense Minister Guillermo Botero, sinasabing ang National Liberation Army o ELN rebels ang nasa likod ng insidente.
Gayunman, naaresto ng pulisya ang suspek na pinaniniwalaang may kinalaman sa pambobomba.
Nakumpiska sa suspek na si Ricardo Carvajal ang ilang military uniform at isang rebel combatant manual habang nahaharap ito sa kasong murder at terrorism.
Samantala, nagdeklara ang Colombian government ng “3 days of mourning” matapos ang naturang pag-atake.
Matindi ang idinulot na pinsala ng pag-atake kaya patuloy pa rin ang pulisya sa paghahanap ng survivors habang posible pa umanong tumaas ang death toll.
Kinondena ni United Nations Secretary General Antonio Guterres ang insidente, gayundin, nagpaabot ito ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktima.





Comments