Para sa mga stress diyan, read n‘yo ‘to, dali! MGA BENEPISYONG NAIDUDULOT NG MEMES
- Donna Thea Topacio
- Jan 20, 2019
- 2 min read

PATOK na patok ngayon ang memes o ‘yung mga picture na nilalagyan ng text na talagang nakae-entertain sa lahat ng netizens. Pero, sure kaming marami sa atin ang hindi alam kung ano nga ba ang health benefits na maidudulot nito sa atin? Kaya alamin natin ang mga benepisyo ng pagbabasa ng mga meme sa social media:
1. THEY ALLOW YOU TO START CONVERSING ABOUT MENTAL HEALTH WITHOUT FEELING SHY. Madalas kahit ‘yung mga seryosong bagay, eh, inilalagay pa rin sa memes, kaya kahit tungkol na ito sa mga sakit o malalang problema, nagagawang pagaanin ng memes ang mismong topic kung saan mas nagiging confident tayo na i-share sa iba kung ano ‘yung mga gusto nating sabihin.
2. THEY ALLOW YOU TO SMILE ABOUT ALL GOOD OR BAD TIMES. Good mood ka man o hindi, tiyak na tatawa ka kapag nakabasa ka ng memes dahil kakaiba talaga ang naidudulot nitong saya sa atin. ‘Yung tipong nag-i-scroll ka lang, eh, tumatawa ka na, muntik ka pang mapagkamalang baliw ng iyong mga kasama. Ha-ha-ha!
3. IT EMPHASIZED THE IMPORTANCE OF SELF-LOVE. Hindi lang basta entertainment ang naidudulot ng memes sa ating buhay. Sa katunayan, marami sa mga ito ay may mga naiiwanan ding aral sa mambabasa. Halimbawa, tungkol sa pera, love life, trabaho, ekonomiya at marami pang iba. For sure, lahat talaga tayo makare-relate sa mga meme na ito.
4. IT ENCOURAGE SUPPORTING YOUR LOVED ONES. Mula sa lessons na naituturo ng memes sa atin, ma-e-encourage na tayo, gayundin ang mga mahal natin sa buhay na gumagamit ng social media. Amazing!
5. MAKES US FEEL BELONG. Sa barkada, dehins maiiwasang mapag-usapan ang mga meme na nababasa natin sa social media, kaya kung alam natin ang mga ito o nabasa na natin, for sure na magiging belong tayo kung saan hindi tayo maa-out-of-place sa pinag-uusapan. Oh, ‘di ba, bongga?
Oh, ayan, mga beshy, at least, ngayon alam na natin na hindi lang pala puro saya at katatawanan ang naidudulot nito kundi may maganda rin itong maibibigay sa ating buhay, partikular na sa ating nararamdaman.
Oks lang na mapagkamalan tayong baliw, basta maging happy everytime na makababasa tayo ng memes.
Have a meaningful life, mga beshy!
Okie?





Comments