top of page
Pokwang.jpg

Malinaw ayon sa birthday.... BEBOT NA NAKATAKDANG MAGKA-BF KUNG LALAKAS ANG KARISMA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 20, 2019
2 min read

Dear Maestro, Maganda raw ako sabi ng mga kaibigan ko, pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong boyfriend at hindi rin ako ligawin ng mga lalaki? Sa totoo lang, hindi ako nagmamadali, kaya lang sa edad kong 27, ako lang ang walang boyfriend sa aming magpipinsan at magbabarkada. Kailan ba ako magkaka-boyfriend at ano ang kapalaran ko lalo na sa love life? October 6, 1991 ang birthday ko.

Umaasa, Cherry ng San Carlos, Aliaga, Nueva Ecija

Dear Cherry, Kapag ang babae ay hindi gaanong ligawin ng mga lalaki, maaaring mahina ang kanyang karisma. Ang “karisma” (charisma) ay hango sa salitang Greek na “charisma” na nangangahulugang “favor freely” or “gift of grace”.

Maaari ring galing ito sa plural word na “charismata” na hango sa salitang ugat na “charis” meaning “grace”, na ngangahulugang “filled with attractiveness” .

Ibig sabihin, kapag malakas ang iyong karisma, ikaw ay masasabing lubhang pinagpala ng likas na kagandahan. Mapapansin mo rin ang salitang “charity” ay halos kapatid o pinsang buo ng salitang “charisma” na ang ibig sabihin ay “charity” mula sa salitang Latin ay “carus” na nangangahulugang “dear” o sabihin na nating “mapagmahal”.

Samakatwid, sa mga depenisyong tinuran sa itaas, para magkaroon ka ng “charisma” na aakit ng mga manliligaw at magagandang kapalaran, kailangang marunong kang magbigay at magmahal.

Sa ganyang paraan, mapagbigay ka at mapagmahal sa iyong kapwa, makikita mo, hindi mo na mamamalayan kasabay ng “virtue” ng pagbibigay at pagmamahal sa kapwa na pang-araw-araw mong inuugali at isinasabuhay, magugulat ka, lalakas ang taglay mong karisma tulad ng mabango at makulay na bulaklak, kusa kang lalapitan ng mga bubuyog at paruparo. Magugustuhan ka ng mga kalalakihan at hindi lang ng isa o dalawang tao kundi maraming tao ang magkakagusto, maaakit at aali-aligid sa iyo.

Sa madaling salita, ang pagkakaroon ng pambihirang pang-akit sa kapwa ay hindi nagsisimula sa panlabas na ganda o anyo, bagkus, ito ay nagsisimula sa loob o sa “kaibuturan ng iyong ugali” o “sa kalooban ng iyong puso”.

Sa ganu’ng batayan na likas sa iyo ang pagiging mabait at matulungin, magre-reflect ngayon sa panlabas mong pagkatao ang pag-ibig sa iyong kapwa na siyang magsisilbing pang-akit mo sa maraming tao na kusang magkakagusto sa iyo dahil kung gaano kaganda ang loob ng puso mo, makikita rin ito sa panlabas mong kaanyuan.

Sa susunod na araw, muli nating tatalakayin kung paano lalakas, hindi lamang ang panlabas at panloob na karisma ng tao kundi kung paano mapalalakas ang “personality magnetism” ng indibidwal upang lalo pa niyang makamit ang maligayang pakikipagrelasyon sa kanyang opposite sex.

Pansamantala, maging mabait ka lang sa mga tao, Cherry, gayundin sa mga hayop at halaman lalo na sa mga kakilala at kaibigan mong lalaki at maging mapagbigay ka, makikita mo, kusa nang lalakas ang iyong karisma at ngayong 2019, dahil naging mapagbigay ka, sa buwan ng Hulyo hanggang Oktubre, sa edad mong 28 pataas, bibigyan ka ng tadhana ng karelasyon — magkaka-boyfriend ka na at habambuhay na magiging maligaya hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Virgo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page